Ang Singsing
Kwentong melodrama ni Juan P. Amodia
Noong unang panahon, may isang batang babae na nagngangalang Sarah. Mataba ang kanyang pangangatawan, mahaba ang buhok at medyo maitim ang kulay ng klanyang balat.
Nang sumapit ang kanyang ika-anim na taong gulang ay naghanda ang kanyang mga magulang ng kaunting salu-salo sa kanilang tahanan. At pinagdaluhan naman ito ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Dahil kaarawan ng batang si Sarah, siya ay nakatanggap ng iba’t ibang regalo galing sa kanyang mga tiyahin at tiyuhin.
Nagustuhan niya ang mga aguinaldong inihandong ng mga ito sa kanya. Mga laruan, damit, sapatos at mga chocolates. Subalit ang pinakanagustuhan niya ay ang regaling bigay ng kanyang titi Johnny. Ito ay isang mamahaling singsing na kaagad naman niyang isinuot matapos itong maibigay sa kanya.
Sa labis na tuwa ay nais niya itong ipagmayabang sa kanyang mga kaibigan. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magpunta parke upang mamasyal.
Mom, Dad.. maaari po ba akong magpunta ng park? Gusto ko kasing mamasyal.” Ang sabi ni Sarah.”
O sige, ngunit mag-ingat ka doon anak ha. “ sagot naman ng kanyang daddy.”
Nadatnan naman ni Sarah ang kanyang mga kaibigan doon sa park. Tinawag niya ang mga ito at ipinagmayabang ang kanyang natanggap na singsing.
Oe, hali kayo. Tingnan ninyo ito. Napakagandang singsing. Ibinigay ito sa akin ng Tito Johnny ko. Bagay na bagay sa daliri diba. Ang ganda talaga. “ pagmamayabang niya sa mga kaibigan.”
Wow, maghanda nga. “ pagsang-ayon naman ng mga kaibi9gan na nakapaligid sa kanya.
Pagkatapos noon ay naglalaro na sila ng mga kaibigan niya.
Magdidilim na ng mapastahan nilang umuwi.
Subalit ng papauwi na si Sarah ay may tumawag sa kanya.
Psst! , hoy bata. Bata.. “sabi ng boses.”
Paglingun niya ay isang matandang lalaki ang kumaway sa kanya.
Halika.. lapit ka ditto.”ang sabi ng matanda.”
Bakit po? Anong kailangan nyo sa akin?”sagot niya.”
Maaari a akong humiram dyan sa singsing mo?”paki-usap ng matanda”.
Naku! Hindi po maaari, kabibigay lamang nito ng tito Johnny ko. Regalo nya sa akin dahil kaarawan ko. Hindi ko maaaring ipahiram ito.”paliwanag ni Sarah.”
Sandali lang naman, isusukat ko lang. Hayaan mo’t ibabalik ko rin sa iyo. “pagpupumilit ng matanda.”
Dahil sa naaawa si Sarah sa matanda ay ibinigay niya ang singsing. Sige po. Nginit sandali lang po talaga ha.Isusukat nyo lang at ibabalik n’yo kaagad.
OO na, akin nay an.. hehehehe…
Narito po.
At iniabot nga niya ang singsing na kaagad naman isinukat ng matandang lalaki.
Aba! Napakaganda nga nitong singsing mo. Napakaswerte mo namang bata ka.
Opo, ngunit akin nap o iyan, naisukat n’yo naman po. Uuwi nap o ako at baka ako’y mapagalitan na.
Oh, s’ya. Huhubarin ko na.”sabi ng matanda.”
Ngunit ayaw nitong matanggal sa kamay ng matanda. Kahit anong gawing paghila ay hindi ito matanggal.
Aba, iha, ayaw na matanggal. Pasensya ka na. Hahahaha!
Niloloko nyo ba ako. Akin na yan! Akin nay an! Napasigaw at napaluha si Sarah dahil sa nangyari sa singsing n’ya. Umuwi siya na lumuluha ngunit hnya ikenwento sa magulang ang nangyari.
Hindio siya makatulo ng gabing iyon.
Dapat bukas, mabawi ko ang singsing sa matandang iyon. Babawiin ko sa kanya sa kahit ano mang paraan.
Kinabukasan ay nagbalik si Sarah sa parke upang hanapin ang matanda. Subalit nagulat siya sa kanyang nakita. Napakarami ngt tao sa park. Bakit kaya? “napatanong si Sarah sa sarili.”
Laking gulat ng makitang ang pinagkaguluhan ng mga tao ay ang matandang may suot ng kanyang singsing. At ang matanda ay namatay na. Wala daw nakakaalam sa dahilan ng pagkamatay nito.
Dahil sa pagkalito sa mga pangyayari ay hindi na malaman ni Sarah ang kanyang gagawin. Umuwi na lamang siya sa kanilang bahay at iniisip kong paano mabawi ang singsing. Halos mawalan na siya ng pag-asa rito.
Huhuhu! Paano na ito. Hindi ko na makukuha ang singsing ko. “iyak niya.”
Pagkaraan ng tatlong araw ay napasyahan niyang magpunta ng sementeryo upang hukayin ang bangkay ng matandang lalaki.
Kinagabihan ay naghanda si Sarah para sa kanyang misyon, ang paghuhukay ng bangkay.
Maghahating gabi na ng suyurin n’ya ang sementeryo. Dala ang pala at flash light. Hinanap n’ya ang pinaglibingan ng matanda at makalipas ang isang oras ay nahanap nga n’ya ito.
Kinikilabutan siya sa kanyang ginagawa. Anupa’t nag-iisa lamang siya ng gabing iyon kung saan napakaliwanag pa ng buwan sa gitna mismo ng sementeryo. Narinig din niya ang mga aso na umuuwang.
Walang makakapigil sa akin, basta’t makukuha ko lamang ang singsing.” Ang sabi ni Sarah.”
30 minuto ang lumipas at nahukay nga niya ang katawan ng matandang lalaki. Naroon pa sa mga daliri nito ang singsing na bigay ng kanyang tito Johnny.
Hay! Narito ka lang pala. Nagtago ka pa talaga sa ilalim ng lupa. Mandurogas kang matanda ka. Ngayon, babawiin ko na ang singsing ko.
Dahan-dahan niyang hinugot ang singsing sa daliri ng matanda. Subalit ayaw talaga itong matanggal.
Hayop ka talaga! Patay ka na nga. Matigas ka pa ring matanda ka. Kakagatin ko na lang yang daliri mo.
At yon nga ang ginawa ni Sarah. At naputol ang daliri ng matanda at saka lang niya nabawi ang singsing.
Yes! Sa wakas. Napasa akin ka rin…..
At maligaya na muli si Sarah..
Monday, June 7, 2010
Kwentong Romansa
Dyip ng Pag-ibig
Kwentong Romansa ni Juan P. Amodia
Alam mo dapat kung saan ka hihinto. Kung nakasakay ka sad yip alam mo na dapat kung saan ang patutunguhan nito. Subalit hindi tayo ang may hawak ng manebela. At hindi natin maipara ang sasakyan sa nais nating parkingan.
Nararamdaman natin ang pagmamahal ng isang tao para sa atin. Gusto natin na siya na ang makasama habang buhay. Subalit may mga sitwasyon sa buhay na hindi kayang pigilan. Na siyang dahilan upang maudlot ang inaasam sa masayang relasyon.
Magka-klase sina Randy at Charise. Hindi lang basta magka-klase. Tinuring pa nila ang isa’t isa na mag bestfriend. Ngunit sabi nga nila sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.
Palaging magkasama ang dalawa. Kung may lalakarin si Randy ay yayayain nito na sumama si Charise. Ganoon din si Charise sa kanya. Anupa’I halos lahat ng oras sa paaralan ay magkasama sila.
Kilalang-kilala na ng dalawa ang isa’t isa, ang pag-uugali, ang mga ayaw at gusto. Pareho din silang magaling magbigay ng mga advice. Kaya pag may problema ang isa ay tinutulunagan ng isa. Nakasentro din kasi sa Diyos ang buhay nilang dalawa kaya madaling magkasundo at parehong maunawain.
Napansin ng kanilang mga ka-klase ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Kaya may nagtanong sa kanila tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan.
Oe, sagutin nga ninyo kami.. magkasintahan ba kayo? Tanong ng isa nilang ka-klase.
Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.
Hindi, magbest friend lang kami. “Sagot ni Charise.”
Masaya lang kami sa isa’t isa kaya gusto naming palagi magkasama, diba best..? dugtong naman ni Randy.
Oo naman, high-five sagot naman ni Charise.
Ngunit sa tagal tagal ng kanilang pagsasama mula 1st year hanggang 3rd year high school , ang madalas na pagsasamang iyon ng magkaibigan ay humantong sa mas malaim na pagtitinginan.
Hay! Anu ba itong nararamdaman ko sa kaibigan ko. Parang hindi ako makatiis na hindi ko siya makasama. Parang gusto ko siyang Makita palagi. Lagi na lang siyang nasa isipan ko. Hay Charise, patawad kong mamahalin pa kita higit sa pagiging bestfriend. Ang sabi ni Randy sa sarili habang hindi siya makatulog sa kaka-imagine kay Charise.
Mabilis na uminog ang panahon at nasa 4th year high school na sila.
Sa panahong ito, lalong tumindi ang pag-ibig na nararamdaman ni Randy kay Charise.Subalit ni minsan ay hindi pa rin masabi ang kanyang nararamdaman sa kaibigan. Takot kasi siya na baka sa kanyang pagtatapat ay lalayuan siya ng kanyang bestfriend.
Kontento na muna siya na kasama ang kaibigan. Kahit na nagdududa na ang kanilang mga ka-klase sa ipinapaikita nilkang kilos.
Mabalas silang makitang magtambay sa bench sa ilalim ng puno ng langka sa kanilang paaralan, magka holding hands.. At nmagkasabay pa sila tuwing uuwi at minsan magkasabay din kung pumasok sa paaralan.
Oe, guys, maniniwala pa ba kayong hindi magkasintahn yang dalawang iyan. Tingnan n’yo ang sweet-sweet.
Oe, Charise, umamin ka na. Kayo na ba? Sinagot mo na ba yan? Tanong ng ka-klase nilang si Hezron.
Hindi umimik si Charise, ngunit tumitig ito sa mga mata ni Randy at ngumingiti.
Isang araw, nagtanong si Charise kay Randy.
“Best, malapit na ang Seniors Ball, may partner ka na ba?
Wala pa. Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang partner ko?” sagot ni randy na may kasamang pagyayaya.”
Sige bah, ayoko yatang iba ang ka-partner ko sa ball. Partner tayo best ha.. I love you best..
Unang beses na narinig ni Randy ang salitang iyon galling sa kaibigan. Inspired na inspired siya sa araw na iyon.
Kinabukasan ay lumapit si Yasmien kay Randy. Si Yasmien ay ang 1st year highschool na pamangkin ni Charise.
Kuya, crush mo si Tita noh? Umamin ka?
Huh? Bakit yan ang tanong mo?
Uhhm, bakit di mo sasabihin eh, halatang-halata naman sa kilos mo.
Oo nah, hindi ko lang crush, mahal ko na nga yata tita mo.
Isusumbong kita kay tita.
At dumating ng ang araw ng ball. Napakagandang tugtog ang inihandog ng banda para sa mga Senior students ng paaralan. Kaya hindi nakatiis si Randy na yayain si Charise na sumayaw. Kahit na lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib kapag lumalapit siya sa kaibigan.
Ramdam ng dalawa na may higit pa silang nararamdaman sa isa’t isa.At napatunayan niyon habang nasa harap nila ang isa’t isa. Walang anumang salita na lumabas sa kanilang mga labi. Subalit ang mga mata nila ay waring nag-uusap higit pa sa lenggwahe na sinasalita ng bibig. Na ang dalang mensahe ay galing sa kanilang puso. Parang pinaglalapit ng husto ang kanilang katawan sa sandaling iyon habang tinutugtug ang kantang 214.
Kalagitnaan na ng kanta ng napansin ni Randy sa nakalibot na ang kanyang kamay s baywang ni Charise. Ngunit hindi na rin niya ito tinanggal dahil wala naman siyang reklamong narinig sa kaibigan.
Natapos ang gabi na hindi pa rin matukoy ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon kung nasa anong lebel naba sila. Basta, masaya sila ng gabing iyon. Masaya sila dahil magkaibigan sila.
Sa susunod na linggo ay graduation na nila. Kaya kinabukasan ay nag-uusap ang dalawa hingil mga balak pagkatapos ng graduation.
Best, ma-mimiss kita. “sabi ni Charise.
Ikaw rin mami-miss din kita.
Saan mo nga pala balak mag-aaral ng college. “tanong ni Randy.’
Tacloban ako best, mag Tourism ako sa ABE. Eh ikaw?
Ean di ako sigurado. Pero nakapasa na ako ng entrance exam sa USC. Gusto ng mga magulang ko na mag teacher ako..
So, ibig sabihin magkakahiwalay tayo. “ ang malungkot na tugon ni Charise.” Sabay sandal sa balikat ni Randy.
Parang gusto ko na rin sa Tacloban best, para magkasama tayo.
Loko ka talaga Ayaw mo talaga akong tantanan. Sabagay di ko rin gusto na malayo ka sa akin.
Hindi natapos ang usaping iyon ng magkaibigan, kailangan pa kasi nilang putulin ang kanilang usapan dahil tinawag sila ng kanilang adviser.
Sa araw ng kanilang graduation, nang matapos ang seremonya ay napaiyak na lumapit si Charise kay Randy. Sabi nito ay masaya siya ngunit malungkot din dahil ma-mimiss nito ang kaibigan. Pagkatapos niyon ay nagpa-picture na silang dalawa.
Kinagabihan ay nagkita ang dalawa sa park.
Oe, best may sinabi pala sa akin si Yas, May sasabihin ka raw sa akin. Sabi ni Charise kay Randy.
Wala, wala best..
Ay naku. Ano ka ba, Graduate na tayo ayaw mo pa rin sasabihin sa akin.
Kung ano sinabi niya sa iyo. Yun na yun.
Ayoko, gusto ko manggaling mismo sa’yo.
Ok, best. I love you. I love you so much. I need you all my life.
Talaga? Talagang talaga? Napangiti si Charise sa sinabi ni Randy.
Yes best, mahal na mahal kita.
Ako rin mahal din kita Randy.
Pa kiss nga.
Ok pero isa lang hah?
The end !!!!

Kwentong katatawanan
May Aso po Inay
Kwentong katatawanan ni Juan P. Amodia
Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs. Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.
Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni aling Gloria.
Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “ ang utos ng kanyang nanay.’’
Opo nay.. “ sagot naman ni Careen.”
Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.
O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina”
Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.
“Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren….
Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.
Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.
Hahahaha… Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.
Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.
Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa kanya.
Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.
Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..
Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha.. Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.
Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.
Huhuhuh.. Lagot na..
Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.
Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”.
Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. “Bulong niya sa sarili.’
Uno, Dos, Tres..
Ilang Segundo lang ay kumarip[as na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit hinahabol naman siya ng mga aso.
Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.
Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..
Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw..
Inay may aso po..
Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina.
Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..
Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.
Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay kumaripas muli ng takbo.
O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.”
Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.
Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa palayan ni Mang Tandoy.
Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.
Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito pagkaraan ng ilang sandali.
Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na kansayang sinapit.
Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa kanyang hitsura na puno ng maitim na putik.Umalis na lamang siya p-agkatapos ng pangyayari.
Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.

Kwentong Trahedya
Disgrasya sa Dagat
Kwentong Trahedya ni Juan P. Amodia
Ang trahedya ay kusang dumarating ng hindi nagpapa-aalam. Kaya ang mahalaga ay dapat maging handa tayo palagi.
Isang magandang pamamasyal noon ang naranasan ng pamilya ni Mang Jun. Selebrasyon kasi ng kapistahan sa kanilang lungsod. Magtatanghali ng matapos ang kanilang pamamasyal. Masaya sila noon dahil minsan lamang sila makapunta ng bayan. Marami silang mga nabili. Mga damit, pagkain at mga laruan.
Kaya matapos ang masayang pamamasyal ay napasyahan na nilang umuwi. Halos maubos na rin kasi ang pera nila sa pamimili.
Sakay ng pumpboat na tanging sasakyan lamang na maaring masakyan pabalik sa kanila ay tumuntong na sila rito. Sakay ng pumpboat ang buong pamilya, Si Mang Jun n, kanyang asawa at mga anak. At ilan pang mga nakasakay rito. May mga matantanda at mga bata rin na sakay doon sa bangka. Maliit na pulgada na lang at sasakay na rin ang tubig dagat sa kanilang pumpboat. Ang sabi ng kapitan ay huwag kayong malikot at kargado tayo. Makakarating tayo sa atin ng matiwasay basta wala lamang maglilikot sa inyo. Tahimik naman ang dagat ngayon at maaliwalas ang panahon. Bago umalis ay tumahimik din ang mga maiinagay na pasahero.
Sa kanilang pagbibyahe ay nagdasal ang mga matatanda para sa tahimik at mabuting paglalakbay. Subalit sa di inaasahang pangyayari, makalipas ang ilang minuto ng paglalakbay at sila ay nasa malalim na parte na karagatan ay mag nasalubong silang isang maliit na pumpboat. Hindi ito napansin ng kapitan dahil may nakatabon na payong sa kanya. At sa kasamaang palad ay bumanga ang maliit na pumpboat na memamaneho ng isang lasing sa kanilang sasakyan. At ganoon nga ay lumubog ang dalawang bangka.
Ilang sandali pa ay dumating ang ibang bangka para sumagip sa mga nadisgrasya. Subalit dahil sa mga bata at matatanda ang karamihang pasahero ay hindi na nila naabotan ang mga ito. Marami ang nasawi sa trahedyang iyon. Kabilang ang lahat na membro sa pamilya ni Mang Jun. Walang siyang ni isang nasagip sa pamilya.
Kinasuhan ng gobyerno ang kapitan ng bangka dahil sa pagkakarga ng higit na pasahero at ang lasing na lalaki dahil sa pagmamaneho nito ng lasing.
Tumayo namang saksi si mang Jun sa mga pangyayari. Nais kasi niya na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.
Malungkot na malungkot si Mang Jun dahil sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang pamilya.

Kwentong Kababalaghan
Copy Face/ Pangongopya ng Mukha
Kwentong Kababalaghan ni Juan P. Amodia
Naniniwala ka ba sa mga engkanto? Sabi ng mga matatanda, hindi lamang daw tayo ang nakatira dito sa mundo. Mayroon pang ibang mga nilalang na namumuhay dito. Subalit hindi lamang natin sila nakikita. May mga kwento din na nagpapahiwatig na nandito nga sila. Mga pagpaparamdam at pagpapakita. Nakakapanginlabot diba? May karanasan ako tungkol sa isang hindi maipaliwanag at nakapagtatakang pangyayari. Isang kababalaghan noong bata pa ako.
Kadadaong lamang ng pumpboat sa daunggan ng aming baranggay ng usap-usapan ng mga bata at matatanda noon ang mga pangyayari na kinasangkutan ko raw noong nakaraang gabi. Nagtataka ako dahil wala naman ako doon noong nangyayari ang kwentong kanilang sinabi.
Ang kwento ay dinala ko raw ang pinsan ko na si Maricel sa kalagitnaan ng gabi. Namamayal umano kami kasama ang isa pa naming pinsan na si ate Marife papunta sa liblib na lugar sa aming baranggay. Nakita daw kami sa tabi ng malaking puno ng mangga sa may palayan ni Mang Kalisto.
Naisip ko na medyo malayo na iyon sa baranggay, kaya malayo pala ang pinasyal ko ng gabing iyon kong totoo. Isa pa hindi rin ako nagpupunta sa lugar na iyon maraming nagsasabi na maraming kababalaghan ang nagyayari sa lugar na iyon.
Sa pagtutuloy ng kwento, ang sabi ng matandang nakakita kay Maricel at sa amin. Ako daw ang mag karga kay Maricel habang si Marife ang siyang nauuna at nagsisilbing taga-guide sa amin. Kaya tinawag daw kami ni Aling Oling, ang matandang nakakita umano sa amin kung saan daw kami pupunta. Subalit hindi daw kami sumagot. Naki-usap umano si Maricel sa akin na ibaba siya dahil tinatawag siya ni Aling Oling. Lumapit si Maricel kay Aling Oling at nagka-usap sila ilang segundo. Kinuha ko raw siya at ni ate Marife sa kanilang bahay upang imbetahan sa kaninan sa amin. Ngunit paglingon nila ay hindi na nila kami nakita.
Kaya dinala na lang muli si Maricel ni Aling Oling pabalik sa baranggay. At yon na nga ang usap-usapan sa baranggay na pinaglalaruan ng engkanto ang aking pinsan at ginamit nila kami. Kinopya nila ang aming anyo.
Pagkarating ko sa bahay ay taking-taka ako sa pangyayari. Kaya pinuntahan ko si ate Marife sa kanila ngunit ang sabi ng kanyang nanay ay nagtataka din sila sa kwento ng bata at ni aling Oling dahil wala din sa kanila si ate Marife noong nangyari iyon. Nasa Isabel siya at namamasukan sa isang pharmacy.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, maraming kababalaghan pa ang bumalot sa aming baranggay. May mga sinasaniban ng mga masamang espiritu. May nawawala at matatagpuan na lamang sa tabi ng isang malaking puno o sa may paaralan. At naulit pa na kopyahin muli nila ang aking mukha.
Natanong ko nga sa sarili ko kong bakit gusto nilang kopyahin ang mukha ko. Pero sa awa naman ng Diyos ay wala namang masamang nangyari sa akin. Basta kailangan lamang nating manalig at magtiwala sa kanya.
Ingat po kayo.. hehehe

Subscribe to:
Posts (Atom)