Monday, June 7, 2010

Kwentong katatawanan

May Aso po Inay
Kwentong katatawanan ni Juan P. Amodia


Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi siya ng area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer camp. Bigla na lamang siyang kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs. Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating bumabalik sa kanyang isipan kapag nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.


Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring iyon. Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni aling Gloria.

Oi, Carren.. bumili ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “ ang utos ng kanyang nanay.’’

Opo nay.. “ sagot naman ni Careen.”
Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela.
O, hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina”
Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng grupo ng mga aso sa kalsada.
“Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren….
Animo’y tinatawag niya ang mga hayop yon pala ay inaasar niya ito.
Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop.
Hahahaha… Sabay ng kanyang malakas na pagtawa.

Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit.

Sa daan patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa kanya.
Natatandaan marahil ng mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata.

Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng mga aso..

Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha.. Makakatawid ako pa rin ako sa inyo.

Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin ng mga aso na tila handa ng kumain sa kanya.

Huhuhuh.. Lagot na..

Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.
Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”.
Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang ako. “Bulong niya sa sarili.’
Uno, Dos, Tres..

Ilang Segundo lang ay kumarip[as na siya ng takbo patungo sa kanilang bahay. Subalit hinahabol naman siya ng mga aso.
Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa kanya. Upang hindi siya maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo.

Sa tindi ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po..

Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw..
Inay may aso po..

Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina.
Naku! Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu..
Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.
Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay kumaripas muli ng takbo.

O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.”
Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto.

Takbo siya ng takbo. Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa palayan ni Mang Tandoy.

Dahil sa maputik at basa ang lupa ay nadulas siya. Tuloy-tuloy hanggang sa putikan.

Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya. At umalis din ang mga ito pagkaraan ng ilang sandali.

Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman siya ng iyak sa takot na kansayang sinapit.

Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi nsiyang zombie na umahon mula sa hukay sa kanyang hitsura na puno ng maitim na putik.Umalis na lamang siya p-agkatapos ng pangyayari.

Nabaling na lamang ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria. Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.

12 comments:

  1. ang kwento ay hindi nakakatawa....simpleng pagsasalaysay lamang ng isang karaniwang pangyayari.... basahin ulit... may mga salitang hindi tama ang spelling.

    ReplyDelete
  2. Yuan, you should avoid drinking coffee sometime haha. joke only.. :D

    ReplyDelete
  3. nica nataa rin ako mejo naranasan ko rin kasi to hahahah :)

    ReplyDelete
  4. nice natawa rin ako naranasan ko narin kasi to heheh

    ReplyDelete
  5. .,puta ang boring

    ReplyDelete
  6. Enter your comment...shabu pa ang puta

    ReplyDelete
  7. wala bang moral lesson yung kwento?

    ReplyDelete
  8. Natawa ako sa mga comment ....hahahaha

    ReplyDelete
  9. Napaka ito inaabangan ko yung katawa tawa pero wala palangnkatawatawa

    ReplyDelete