Copy Face/ Pangongopya ng Mukha
Kwentong Kababalaghan ni Juan P. Amodia
Naniniwala ka ba sa mga engkanto? Sabi ng mga matatanda, hindi lamang daw tayo ang nakatira dito sa mundo. Mayroon pang ibang mga nilalang na namumuhay dito. Subalit hindi lamang natin sila nakikita. May mga kwento din na nagpapahiwatig na nandito nga sila. Mga pagpaparamdam at pagpapakita. Nakakapanginlabot diba? May karanasan ako tungkol sa isang hindi maipaliwanag at nakapagtatakang pangyayari. Isang kababalaghan noong bata pa ako.
Kadadaong lamang ng pumpboat sa daunggan ng aming baranggay ng usap-usapan ng mga bata at matatanda noon ang mga pangyayari na kinasangkutan ko raw noong nakaraang gabi. Nagtataka ako dahil wala naman ako doon noong nangyayari ang kwentong kanilang sinabi.
Ang kwento ay dinala ko raw ang pinsan ko na si Maricel sa kalagitnaan ng gabi. Namamayal umano kami kasama ang isa pa naming pinsan na si ate Marife papunta sa liblib na lugar sa aming baranggay. Nakita daw kami sa tabi ng malaking puno ng mangga sa may palayan ni Mang Kalisto.
Naisip ko na medyo malayo na iyon sa baranggay, kaya malayo pala ang pinasyal ko ng gabing iyon kong totoo. Isa pa hindi rin ako nagpupunta sa lugar na iyon maraming nagsasabi na maraming kababalaghan ang nagyayari sa lugar na iyon.
Sa pagtutuloy ng kwento, ang sabi ng matandang nakakita kay Maricel at sa amin. Ako daw ang mag karga kay Maricel habang si Marife ang siyang nauuna at nagsisilbing taga-guide sa amin. Kaya tinawag daw kami ni Aling Oling, ang matandang nakakita umano sa amin kung saan daw kami pupunta. Subalit hindi daw kami sumagot. Naki-usap umano si Maricel sa akin na ibaba siya dahil tinatawag siya ni Aling Oling. Lumapit si Maricel kay Aling Oling at nagka-usap sila ilang segundo. Kinuha ko raw siya at ni ate Marife sa kanilang bahay upang imbetahan sa kaninan sa amin. Ngunit paglingon nila ay hindi na nila kami nakita.
Kaya dinala na lang muli si Maricel ni Aling Oling pabalik sa baranggay. At yon na nga ang usap-usapan sa baranggay na pinaglalaruan ng engkanto ang aking pinsan at ginamit nila kami. Kinopya nila ang aming anyo.
Pagkarating ko sa bahay ay taking-taka ako sa pangyayari. Kaya pinuntahan ko si ate Marife sa kanila ngunit ang sabi ng kanyang nanay ay nagtataka din sila sa kwento ng bata at ni aling Oling dahil wala din sa kanila si ate Marife noong nangyari iyon. Nasa Isabel siya at namamasukan sa isang pharmacy.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, maraming kababalaghan pa ang bumalot sa aming baranggay. May mga sinasaniban ng mga masamang espiritu. May nawawala at matatagpuan na lamang sa tabi ng isang malaking puno o sa may paaralan. At naulit pa na kopyahin muli nila ang aking mukha.
Natanong ko nga sa sarili ko kong bakit gusto nilang kopyahin ang mukha ko. Pero sa awa naman ng Diyos ay wala namang masamang nangyari sa akin. Basta kailangan lamang nating manalig at magtiwala sa kanya.
Ingat po kayo.. hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
maganda ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari... maganda ang kwento
ReplyDeleteganda ng istorya pero naiinit ako ng pinag lalaruan tayo
ReplyDelete