Monday, June 7, 2010

Kwentong Romansa

Dyip ng Pag-ibig

Kwentong Romansa ni Juan P. Amodia



Alam mo dapat kung saan ka hihinto. Kung nakasakay ka sad yip alam mo na dapat kung saan ang patutunguhan nito. Subalit hindi tayo ang may hawak ng manebela. At hindi natin maipara ang sasakyan sa nais nating parkingan.
Nararamdaman natin ang pagmamahal ng isang tao para sa atin. Gusto natin na siya na ang makasama habang buhay. Subalit may mga sitwasyon sa buhay na hindi kayang pigilan. Na siyang dahilan upang maudlot ang inaasam sa masayang relasyon.

Magka-klase sina Randy at Charise. Hindi lang basta magka-klase. Tinuring pa nila ang isa’t isa na mag bestfriend. Ngunit sabi nga nila sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat.

Palaging magkasama ang dalawa. Kung may lalakarin si Randy ay yayayain nito na sumama si Charise. Ganoon din si Charise sa kanya. Anupa’I halos lahat ng oras sa paaralan ay magkasama sila.

Kilalang-kilala na ng dalawa ang isa’t isa, ang pag-uugali, ang mga ayaw at gusto. Pareho din silang magaling magbigay ng mga advice. Kaya pag may problema ang isa ay tinutulunagan ng isa. Nakasentro din kasi sa Diyos ang buhay nilang dalawa kaya madaling magkasundo at parehong maunawain.

Napansin ng kanilang mga ka-klase ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Kaya may nagtanong sa kanila tungkol sa estado ng kanilang pagkakaibigan.

Oe, sagutin nga ninyo kami.. magkasintahan ba kayo? Tanong ng isa nilang ka-klase.

Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.
Hindi, magbest friend lang kami. “Sagot ni Charise.”
Masaya lang kami sa isa’t isa kaya gusto naming palagi magkasama, diba best..? dugtong naman ni Randy.
Oo naman, high-five sagot naman ni Charise.

Ngunit sa tagal tagal ng kanilang pagsasama mula 1st year hanggang 3rd year high school , ang madalas na pagsasamang iyon ng magkaibigan ay humantong sa mas malaim na pagtitinginan.

Hay! Anu ba itong nararamdaman ko sa kaibigan ko. Parang hindi ako makatiis na hindi ko siya makasama. Parang gusto ko siyang Makita palagi. Lagi na lang siyang nasa isipan ko. Hay Charise, patawad kong mamahalin pa kita higit sa pagiging bestfriend. Ang sabi ni Randy sa sarili habang hindi siya makatulog sa kaka-imagine kay Charise.

Mabilis na uminog ang panahon at nasa 4th year high school na sila.
Sa panahong ito, lalong tumindi ang pag-ibig na nararamdaman ni Randy kay Charise.Subalit ni minsan ay hindi pa rin masabi ang kanyang nararamdaman sa kaibigan. Takot kasi siya na baka sa kanyang pagtatapat ay lalayuan siya ng kanyang bestfriend.

Kontento na muna siya na kasama ang kaibigan. Kahit na nagdududa na ang kanilang mga ka-klase sa ipinapaikita nilkang kilos.

Mabalas silang makitang magtambay sa bench sa ilalim ng puno ng langka sa kanilang paaralan, magka holding hands.. At nmagkasabay pa sila tuwing uuwi at minsan magkasabay din kung pumasok sa paaralan.

Oe, guys, maniniwala pa ba kayong hindi magkasintahn yang dalawang iyan. Tingnan n’yo ang sweet-sweet.

Oe, Charise, umamin ka na. Kayo na ba? Sinagot mo na ba yan? Tanong ng ka-klase nilang si Hezron.

Hindi umimik si Charise, ngunit tumitig ito sa mga mata ni Randy at ngumingiti.

Isang araw, nagtanong si Charise kay Randy.
“Best, malapit na ang Seniors Ball, may partner ka na ba?
Wala pa. Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang partner ko?” sagot ni randy na may kasamang pagyayaya.”
Sige bah, ayoko yatang iba ang ka-partner ko sa ball. Partner tayo best ha.. I love you best..
Unang beses na narinig ni Randy ang salitang iyon galling sa kaibigan. Inspired na inspired siya sa araw na iyon.

Kinabukasan ay lumapit si Yasmien kay Randy. Si Yasmien ay ang 1st year highschool na pamangkin ni Charise.

Kuya, crush mo si Tita noh? Umamin ka?

Huh? Bakit yan ang tanong mo?
Uhhm, bakit di mo sasabihin eh, halatang-halata naman sa kilos mo.
Oo nah, hindi ko lang crush, mahal ko na nga yata tita mo.
Isusumbong kita kay tita.

At dumating ng ang araw ng ball. Napakagandang tugtog ang inihandog ng banda para sa mga Senior students ng paaralan. Kaya hindi nakatiis si Randy na yayain si Charise na sumayaw. Kahit na lumalakas ang tibok ng kanyang dibdib kapag lumalapit siya sa kaibigan.

Ramdam ng dalawa na may higit pa silang nararamdaman sa isa’t isa.At napatunayan niyon habang nasa harap nila ang isa’t isa. Walang anumang salita na lumabas sa kanilang mga labi. Subalit ang mga mata nila ay waring nag-uusap higit pa sa lenggwahe na sinasalita ng bibig. Na ang dalang mensahe ay galing sa kanilang puso. Parang pinaglalapit ng husto ang kanilang katawan sa sandaling iyon habang tinutugtug ang kantang 214.

Kalagitnaan na ng kanta ng napansin ni Randy sa nakalibot na ang kanyang kamay s baywang ni Charise. Ngunit hindi na rin niya ito tinanggal dahil wala naman siyang reklamong narinig sa kaibigan.

Natapos ang gabi na hindi pa rin matukoy ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon kung nasa anong lebel naba sila. Basta, masaya sila ng gabing iyon. Masaya sila dahil magkaibigan sila.

Sa susunod na linggo ay graduation na nila. Kaya kinabukasan ay nag-uusap ang dalawa hingil mga balak pagkatapos ng graduation.

Best, ma-mimiss kita. “sabi ni Charise.
Ikaw rin mami-miss din kita.
Saan mo nga pala balak mag-aaral ng college. “tanong ni Randy.’
Tacloban ako best, mag Tourism ako sa ABE. Eh ikaw?
Ean di ako sigurado. Pero nakapasa na ako ng entrance exam sa USC. Gusto ng mga magulang ko na mag teacher ako..
So, ibig sabihin magkakahiwalay tayo. “ ang malungkot na tugon ni Charise.” Sabay sandal sa balikat ni Randy.

Parang gusto ko na rin sa Tacloban best, para magkasama tayo.
Loko ka talaga Ayaw mo talaga akong tantanan. Sabagay di ko rin gusto na malayo ka sa akin.

Hindi natapos ang usaping iyon ng magkaibigan, kailangan pa kasi nilang putulin ang kanilang usapan dahil tinawag sila ng kanilang adviser.

Sa araw ng kanilang graduation, nang matapos ang seremonya ay napaiyak na lumapit si Charise kay Randy. Sabi nito ay masaya siya ngunit malungkot din dahil ma-mimiss nito ang kaibigan. Pagkatapos niyon ay nagpa-picture na silang dalawa.

Kinagabihan ay nagkita ang dalawa sa park.
Oe, best may sinabi pala sa akin si Yas, May sasabihin ka raw sa akin. Sabi ni Charise kay Randy.
Wala, wala best..
Ay naku. Ano ka ba, Graduate na tayo ayaw mo pa rin sasabihin sa akin.
Kung ano sinabi niya sa iyo. Yun na yun.
Ayoko, gusto ko manggaling mismo sa’yo.
Ok, best. I love you. I love you so much. I need you all my life.
Talaga? Talagang talaga? Napangiti si Charise sa sinabi ni Randy.
Yes best, mahal na mahal kita.
Ako rin mahal din kita Randy.
Pa kiss nga.
Ok pero isa lang hah?

The end !!!!

1 comment:

  1. may mga salita ring hindi akma sa mga pangungusap na ginamit..... napakesimple pero okey.... may mga pagkakataon lamang na hindi maganda ang pagkakaputol at pagkakadugtong ng mga usapan....

    ReplyDelete